PostHeaderIcon Sa susunod na kabanata: ala-ala ng Ibalonian na mahilig sa komiks...




Katatapos pa lamang ng mahal na araw. Ang alingas-ngas ng tag-init ay matindi maski ngayon. Ito ang panahon na ako'y nakapagugunita ng tayo ay nasa UP pa.

Marami sa amin noon ang gustong umalis sa campus. Gusto naming maka-uwi sa probinsya para makapagbakasyon. Ibig naming makalimot sa hirap ng pagiging estudyante sa UP. Ngunit wala kaming pera para makabili ng pamasaje sa Pantranco patungong Bikol!

Yung mga marunong, madaling umalis. Umuwi na sila sa kanilang mga probinsiya. Mabilis silang lumisan para makapiling ang kanilang pamilya. Siguradong ganado ang mga 'yun---lalo na't puro uno ang kanilang mga marka. Yung iba naman, medio tagilid sa ekwela, malungkot, minabuti na lamang ang maghintay sa Diliman para alamin kung ano ang gradong nataggap sa mga terror na maestra.

Mainit ang panahon na yun! Kaka-kain pa lamang namin nina Julius Lecciones, Ray Rayel at Butch Robredo sa Hong Ning sa Cubao. Kaming mga Ibalon na taga-Molave ay walang magawa. Ang maghapon na panonood ng TV ay nakakasawa na. Sarado ang UP Swimming Pool; di pwedeng mag-langoy o mag-dive sa plataporma.

Maski ang paanyaya ni Butch na kumain ng sorbetes sa Dilimall ay nakakawalang gana. Minabuti na lang ni Greg Forcadela na matulog sa kanyang mahiwang kutson na itim. Ayaw na niyang pankinggan ang kwento ni Julius na gabi na kung umuwi galing sa kanyang GF, ang matamis na si Apple.

OO nga naman. Nakaka-inggit ang buhay ng may-GF na si JAL. Kaming mga walang GF, bokya! Kaya ng si Ray Rayel ay nagpa-alam na siya'y bibisita sa kanyang Tiya sa Maynila, kami'y ubod na natuwa. Alam namin, di si Ray babalik ng walang dala. Hindi lang pagkain---kundi Komiks!

Gaya ng mga taon na nakaraan, si Ray ay humakot ng komiks---kolecksiyon ng kanyang mamahalin na Tiya! Hindi lang isa o dalawa! Isang katerba! Malaking kahon ng Darigold. Bigay ng Tiya, para kami manahimik magbasa!

Alam ng Tiya, bagama't may ambisyon kaming maging doktor, may ambisyon din kaming magpakalunod sa kwento ng Aliwan o Tagalog Espesyal!

Pagbukas ng kahon, sigaw agad si Ray na parang kapitan, "Oy! Sa akin ang Pogi!" Si Mario Genio naman sabay dampot ng lahat na "Liwayway." Si Julius at ako naglalaban para sa lahat na "Lagim." Si Floro Balce, ang hilig Wakasan!

O! yun ang mga nakakatuwang mga araw!

Kaya kung meron tanging taong ako'y kailangan magpasalamat, ang tiya ni Ray ay nangu-nguna sa aking lista. Mantakin ninyo, nakatulong siya sa mahirap na landas ng pag-aaral! Ang mga bababasahin ay nagpalakas ng aming pagkakaisa bilang mga magkakaibigan. Ang komiks ay nagpawi ng aming kalungkutan sa buhay dormitoryo na wala ang aming mga magulang!

Sa subsob naming pag-aaral, wala kaming oras magbasa ng komiks maliban kung tag-init. Kung walang magawa. Kung nakakasawa ang buhay! Ngunit sa pagbasa ng komiks, kami ay nata-uhan kung ano man ang buhay ng mga Pinoy na nakataglay sa kwentong parating patuloy na suspense "Sa susunod na kabanata."

Topics/Categories

Feedjit Live Blog Stats

Topics/Categories

Add to Technorati Favorites

Ateneo de Naga HS Batch 74

ABS-CBN News

GMA News.tv

Philippine Commentary

Inquirer Breaking News