PostHeaderIcon MALIGAYANG ARAW NG MGA TATAY



Sa Pag-alaala ng Araw ng mga Tatay...Hunio 21, 2009

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lapad ng kaniyang mga balikat.
Ito’y nadarama sa higpit ng kaniyang mga yakap.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lagong at lakas ng kaniyang boses.
Kundi sa marahan niyang tinig.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa dami ng kaniyang mga kabarkada.
Ito’y sa kung paano siya makisama sa kaniyang mga anak.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa kung paano siya tinitingala ng
kaniyang mga ka-opisina. Ito’y sa kung paano siya iginagalang sa tahanan.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa kung gaano siya katindi sumuntok.
Ito’y sa mapagmahal niyang haplos.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa lago ng buhok sa kaniyang dibdib.
Ito’y sa laki ng pusong tinitibok ay pag-ibig.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa bigat ng kaniyang binubuhat.
Ito’y sa mga kabigatang kaya niyang bathin.

Ang lakas ng isang ama ay hindi sa dami ng babaeng kaniyang pina-ibig.
Ito’y kung gaano siya katapat magmahal sa kaniyang natatanging kabiyak.


Source: DZAS Website/ Pinoywriters (Photo Credit: Dr. Fever) =0=

==============================================================
Blog Archive
Topics/Categories
Feedjit Live Blog Stats
Topics/Categories
Add to Technorati Favorites
ABS-CBN News
Error loading feed.
Recent Posts
Inquirer Breaking News
Error loading feed.