PostHeaderIcon Mga Tuntunin ng Senado----mungkahi ni Sen. Lito Lapid, babasahin kaya ng tao?

Masaya na si Sen. Lito Lapid na itinagalog na ang “Senate Rules of Procedure.” Mas ma-iinitidihan na ng artista na HS gradweyt ang procedimiento ng senado na kanyang kinakasapian mula’t mula ng siya ay nahalal sa pwesto. Nakasulat na sa wikang Pilipino, ang Lapid Resolusyon Numero 19 na nagmungkahi na ang mga reglamento sa Senado ay i-lagda sa Tagalog para madali daw “magkaintidihan ang senado at mga tao.” Ang pagsa-Tagalog mula sa Ingles ay ginawa ng Komisyon ng Wikang Pilipino.

Pero di tiyak kung bibigyan pansin ng mga taong basahin ang nasabing “Mga Tuntunin ng Senado.” Isang senador na si Juan Miguel Zubiri ang nagsabi na ito’y isa lamang ng “reference material” at di gagamitin sa kamara. Wikang Ingles o Taglish ang ginagamit sa pang-araw-araw ng Senado.

Si Sen. Lapid ay nagpapasalamat sa kanyang tagumpay:

“Para maintindihan ng ating mga kababayan, isa na ako roon (So that our countrymen, and I myself, would understand),” he told reporters. “Kasi Inglesan ng Inglesan dito. Matagal na rin ako dito pero marami pa rin akong hindi maintindihan na matataas na Ingles (That’s because English is widely spoken here, and I’ve been here for some time now but still don’t understand those high-falluting terms),” Lapid said. ----Inquirer (02/05/09, Avendano, C)

Mahirap talaga ang may kapansanan sa lenguaje----lalo na sa legislatura na kailangan ang bokadura at malawak na pagka-initindi sa pasikot-sikot komo senador. Ang artistang si Lapid ay isa sa mahigit sa 20 lamang na nahalal na mga taga-gawa ng batas ng Pilipinas--- kung mahina siya sa pag-intindi o pagsalita sa mga debate, malaking lugi ito ng bansa.

Di matiyak kung ano ang mga nagawa ni Lapid sa 4 taon na siya ay senador. Kaunti ang nakaka-alam kung ilang pelikula ang nagawa niya habang siya'y nasa kamara. Wala naman reklamo ang mga tao sa di-pala-imik na senador. Sabi ng iba, mabait at guapo daw kasi si Lapid. (Photo Credit: Tatlong Hari) =0=

===========================================================

Blog Archive

Topics/Categories

Feedjit Live Blog Stats

Topics/Categories

Add to Technorati Favorites

Ateneo de Naga HS Batch 74

ABS-CBN News

GMA News.tv

Philippine Commentary

Inquirer Breaking News