PostHeaderIcon Malabong paliwanag sa bayong-bayong na pera sa airport

Ako’y nagtataka sa ating mga opisyales na pumupunta sa abroad. Pag sila ay nahuhuli na dala-dala ang “bayong-bayong” na pera sa kanilang paglakbay, an daming mga paliwanag na sa huli ay parang mga palusot. Nawalan na yata tayong hiya, maski magmukhang stupido.

Meron na naman nahuli, isang retiridong Philippine National Police (PNP) comptroller na may dalang P6.9 million (EU 105,000.) Alam ng karamihan na $10,000 (P470,000) lamang ang legal na dala ng pasahero pagpunta sa ibang bansa. Iyan ay paulit-ulit na pina-aalala sa lahat na viajeros (written declaration of money) sa mga eroplano at customs. Pero itong si Eliseo de la Paz ng PNP ay may dalang sobra na hindi dineklara ayon sa anti-money laundering law.

Heto ang paliwanag ng isang taga-pagtanggol na si DILG Secretary Ronaldo Puno sa ginawa ni de la Paz:

"Sa Europe, the hotels are easily triple the hotels that we pay for here, so talagang mahal yon. It’s really an expensive proposition and that is an Interpol meeting. Remember that was a meeting of all the police agencies throughout the world. Hindi naman pwepwedeng pupunta ang delegation natin don na parang mga pulubi, so they had to go there in the standards of the average police force," abs-cbnNews.com (10/16/08, Abelgas, G.)

Pero ang totoo, pwede naman malaman kung magkano ang gastos sa mga hotel kung magtanong o magreserba ng advance, na karaniwang gawi. May telepono, may internet, may banko, na pwedeng gamitin para hindi magdala ng "bayong-bayong" na pera. Ano ba talaga ang preparasyon na ginawa ni de la Paz at mga kasama para mag-ibang bansa? Ang paliwanag ni Puno ay parang ang mga Pilipino ignorante sa paglakbay. Maski pa mayaman, sino ba naman ang dadala ng milyon-milyon sa isa lamang na meeting?

Ayon kay de la Paz ang P4.5 million sa P6.9 million na nasa kanyang “bayong” ng papunta doon sa Russia ay sarili niya. Ganyan ba kayaman ang mga tauhan ng militar ngayon? Ano ang kanyang gagawin sa P4.5 million, perang sobra sa doble ng 8-kataong budget ng delegasyon? Kung wala siyang balak na iba, bakit hindi niya ipadala sa banko o ideklara sa customs o gumamit ng credit card? Sa interpol meeting pa naman sila pumunta, bakit niya ilalagay ang Pilipinas na suspetchahan ng panibagong korupsiyon?

Hindi daw siya dapat ikumpara doon kay Gen. Carlos F. Garcia, na isa rin nahuli ng 2003. Pero kitang-kita, pareho sila lumabag ng batas. Mag tatanga-tangahan na lang ba ating mga opisyales at ang taong bayan ang magdadala ng kahihiyaan? Maliban sa budget ng delegasyon, kanino ba talaga ang P4.5 million ($95,744.00) na dala ng isang PNP officer? Paano ni de la Paz mapapaniwala ang tao na sa kanya talaga ang pera. Ito ba ay kasama sa pondo ng militar na hindi sakop ng audit ng Commission of Audit COA (i.e. intelligence funds?)

Paano ang mga mamayan maniniwala sa ating mga lideres pag ganire ang nangyayari? Ang sabi, itong si de la Paz, retired na. Hindi na siya dapat kasali sa delegasyon ng mga dumalong Pilipino sa 77th Interpol General Assembly in St. Petersburg, Russia. (Photo Credit: www.derechos.org; jhayrocas; gmaresign) =0=

Note: Untruths, persistent lies, and twisting of facts by our leaders frustrate the inroads of credibility our hardworking citizens, OFW's, and other expatriate Filipinos have carved for the Philippines. If we don't have the discipline to curb our proclivities for deception and lies, we'll always be among the bottom heap of countries with the greatest corruption problems. Truly, Eliseo de la Paz needs to be investigated, but his situation seems to speak for itself. He broke the law during his travel.

Blog Archive

Topics/Categories

Feedjit Live Blog Stats

Topics/Categories

Add to Technorati Favorites

Ateneo de Naga HS Batch 74

ABS-CBN News

GMA News.tv

Philippine Commentary

Inquirer Breaking News