PostHeaderIcon May barko na naman na lumubog!



Paano naman di mawawalan ng tiwala tayo sa ating sarili kung panay na lang masamang balita ang nasa diaryo. Kung minsan ang ibang mga manunulat ay gusto ng maka-iwas sa mga negatibong mga balita. Nguni’t kadalasan, di pe-pwede, gaya ng malimit na pagkalubog ng ating mga barko sa Pilipinas.

Me nagsasabi na ang mga usaping nakaka-rinde gaya ng barkong lumubog ay hindi makakabuti sa lipunan. Tama, kung meron tayong ginagawa sa problema. Pero kung wala, ang pag-kukunwari na OK lang (walang masamang nangyayari) ay di mabuti! Lalo na kung tayo ay nag-aasa na ang problema ay papawi na di tayo kumikilos para magkaroon ng solusyon.

Ang pagiging positibo ay mabuti, kung may batayan. Pag wala, nakakabigay lang ito ng sandaliang pag-asa. Ang ligaya sa di pagharap sa katotohanan ay dumadaan lamang. Nandiyan pa rin ang suliranin kung ang problema ay di matugunan.

Ang mga reaksiyon na ito ay matagal ng problema natin. Halos wala na ngang gustong kumibo. Abala na lang tayo sa buhay pang-pamilya hanggang dumating ang araw na tayo na rin ang nagiging mga biktima ng problema sa kalsada. Halatang walang mai-tulong sa atin ang mga nasa pamahalaan.

Ang “denial” ay paborito nating depensa sa problema. Kadalasan ito’y umu-obra, kahit na wala tayong pag-kilos. Nguni’t ang “denial” sa tagal ay lalong nakakapalala ng ating mga suliranan. Ang di pag-harap ng katotohanan ay sa banding huli, nakakasira sa ating pamumuhay sa lipunan. Heto ang isang halimbawa:



Di pa nga tapos ang pagluksa ng mga namatay sa pamapasaherong lantsa sa Masbate na lampas 40 tao ang namatay ngayong buwan, (800+ ang namatay sa Princess of the Stars ng ito’y lumubog sa Romblon limang buwan ang nakaraan, ) heto na naman ang masamang balita ni Lt. Gary Dale Limotea ng Coast Guard. Ang cargo ship na Mark Jason na papunta sa Batanes galing Maynila ng Noviembre 17 ay lumubog. Katorseng (14) tauhan at 6 pang iba ang sakay. Buti na lang 16 ang nasalba sa incidente, nguni’t 4 na tao ay nawawala.---Philstar/AP (11/26/08)

Bakit pawang ganire na lamang ang trahedya ng ating lipunan? Wala na ba talagang pwedeng gawin ang govierno, Coast Guard, at MARINA para maiwasan ang ganitong mga sakuna? Hindi na ba natin pwedeng ma-ipatupad ang mga regulasyon ng paglakbay sa dagat? Di na ba natin maiwasan na hintuin ang pag-viaje kung meron bagyo. Hanggang “denial” na lang ba tayo na marami sa ating inocenteng mamamayan ang namamatay na di nabibigyan ng hustiya? Saan ba gagaling ang pag-unlad ng ating buhay?(Photo Credits: Mauritius100's; Lorca56) =0=

RELATED BLOGS: "RP’s maritime disaster Ferry boat sinks in Masbate killing 40" Posted by mesiamd at 11/04/2008; Princess of the stars: a harvest of blame and shame" Posted by mesiamd at 11/08/2008; "A Sorry Maritime Safety Record Indeed In The Philippines" Posted by myty555 at 11/09/2008
===========================================================

Blog Archive

Topics/Categories

Feedjit Live Blog Stats

Topics/Categories

Add to Technorati Favorites

Ateneo de Naga HS Batch 74

ABS-CBN News

GMA News.tv

Philippine Commentary

Inquirer Breaking News